Showing posts with label Litratong Pinoy. Show all posts
Showing posts with label Litratong Pinoy. Show all posts

Sunday, May 18, 2008

Litratong Pinoy : Apoy ng muling pagkabuhay




Ito ang apoy na nagsi-simbolo ng muling pagkabuhay.

Ang kandilang ito ay ginagamit sa binyagan. Ito ay sinisindihan mula sa easter candle na syang nagsisimbolo ng muling pagkabuhay ni Jesu Kristo. Sa pagsisindi ng kandilang ito, pinapakita ng magulang na susubaybayan nya ang kanyang anak para sumunod sa mga turo ni Jesu Kristo.

Wednesday, May 14, 2008

Litratong Pinoy : Mahal na Ina

Eto ang sali ko sa LP. Ako ang nasa picture. Kame ng panganay ko. Kuha ng aking mahal.

PERO,wag sabihin na nandaya ako. Ako naman ang gumawa ng scrapbook page na ito at ako ang kumuha ng litrato sa nagawang finish product.

So, ako na ang nag-picture nito di ba?





I'd Give My Life For You

You who I cradled in my arms * Little snip of a little man * I know I'd give my life for you * And you should know its love that brought you here * I'll give you a million things I'll never own * I'll give you a world to conquer when you're grown * You will be who you want to be *You can choose whatever heaven grants * As long as you can have your chance * “
I swear I'll give my life for you.”

Sunday, April 13, 2008

Litratong Pinoy : Tatlo ang sulok ko.



Ito ang karaniwang matatagpuan sa tatlong sulok ng bahay ng nakararami - ang bubwit!

Pero kakaiba itong aming bubwit.Sya ay cute kumpara sa mga orwit (ordinaryong bubwit).

Hindi ko alam kung bakit sya may tatlong sulok. Ito ay gawa ng IQ baby. Siguro, ang gamit nito ay para i-test ang iyong IQ. Pag di mo sya na picture na bubwit, ibig sabihin mababa ang iyong IQ. ehehehe.

Thursday, April 03, 2008

Litratong Pinoy - Bilog ang Mundo



Ito ang aking unang entry para sa Litratong Pinoy.

Ito si Eartha. Sya ay matatagpuan sa Maine, USA.
Sya ang me hawak ng record sa Guinness na World's Largest Revolving/Rotating Globe.

Pasensya na po kung hindi masyadong malinaw ang aking kuha dahil ito ay kuha ko noon pang taong 2006, gamit ang aking gigicam. Hindi pa kasi DSLR ang gamit ko nun. hehehe