Ito ang karaniwang matatagpuan sa tatlong sulok ng bahay ng nakararami - ang bubwit!
Pero kakaiba itong aming bubwit.Sya ay cute kumpara sa mga orwit (ordinaryong bubwit).
Hindi ko alam kung bakit sya may tatlong sulok. Ito ay gawa ng IQ baby. Siguro, ang gamit nito ay para i-test ang iyong IQ. Pag di mo sya na picture na bubwit, ibig sabihin mababa ang iyong IQ. ehehehe.
Ito si Eartha. Sya ay matatagpuan sa Maine, USA. Sya ang me hawak ng record sa Guinness na World's Largest Revolving/Rotating Globe.
Pasensya na po kung hindi masyadong malinaw ang aking kuha dahil ito ay kuha ko noon pang taong 2006, gamit ang aking gigicam. Hindi pa kasi DSLR ang gamit ko nun. hehehe